vasoconstriction


hay!!!sa wakas makalipas ang isang linggo...
natapos ko din ang queen seon deok...
at sana...
makatulog na ako ng gaya ng dati...
ilang gabi rin akong...
nagpilit na matulog...
dahil sa makailang beses ko ng nasabi na "stop muna, bukas naman"...
pero ang nangyari... kinabukasan na nakatulog...

nuong linggo ko lang sinimulan manuod sa kadahilanang di ko na kayang maghintay pa ng isang araw para malaman kung anu ang susunod na mangyayari...
at yun na...
nangyari na ang di inaasahan...

sa buong buhay ko...
hindi pa ako kinabahan ng isang buong linggo...
sa pagkahaba ng serye na to...
walang oras na di ako binalot ng kaba...

salamat na lang at wala akong sakit sa puso...
at huwag naman sanang dahil dito... sa tagal na nagconstrict ng mga ugat ko... ay magkasakit ako...

kaya babala...
sa mga may sakit sa puso... pati na sa mga bipolar...
huwag na huwag manunuod ng queen seon deok...
dahil... bukod sa suspense... paiiyakin ka at patatawin... paiinisin at pabibilibin... sa parehong sandali...

pero sa mga nagpapapayat...
pwede ito...
dahil kahit tawag ng tiyan di mo maririnig...

2 Response to "vasoconstriction"