Showing posts with label angas. Show all posts
Showing posts with label angas. Show all posts

Friday, 3 July 2009

Parekoy

Pareng Blogspot,

Hoy! Musta ka na? Namiss kita. Tagal nating hindi nagkita. Mahigit ata isang linggo. Pasensiya na parekoy, naging masyadong busy ako. 18 araw na ang dumaan mula nang malipat ako sa bagong department. Ayun, ok naman. Masaya sila kasama. Makukulit. Medyo madaming trabaho pero nakakatuwa kasi para na rin akong nagtuturo. Sabi nga nila, ang tipid ko daw magsalita. Di nila alam, madaldal ako lalo na pag kausap kita. Ang sarap mo kasi kausap. Lagi mo ako pinapakinggan. Di ka nagsasawa sa mga angas , kakulitan at kakornihan ko. Namiss ko na din ang mga kaibigan natin. Matagal ko na din hindi sila nadalaw. Di na tuloy ako updated sa samo't saring kwento ng buhay, pag-ibig, career at kalibugan. haha. Yaan mo pag naka-adjust na ako sa bagong schedule, babawi ako sa'yo. Dami kasi akong gusto ikwento sa'yo. Alam ko, dami ka din gusto ibalita sa akin.

Mahigit 3 buwan na din pala tayong magkaibigan. Masaya ka ba na nagkakilala tayo? Ako kasi sobrang masaya. Paano nagkaroon ako ng pagkakataong maging totoo sa sarili ko at saka ang dami kong natutunan sa'yo. Nagkaroon din ako ng mga kakulitan dahil sa'yo. Pero lam mo, minsan nahihiya pa rin ako. Ganun talaga siguro, hindi ko masasabi lahat at alam ko na naiintindihan mo yun. Basta once a week, dadalawin kita. Ang bilis ng panahon ano? July na, kalahating taon. Tuloy napapaisip ako: Naging maayos ba ang unang anim na buwan ko? Pagbalik ko, pag-uusapan natin yan. Napanood ko na pala ang Tansformers. Ok naman. Balak ko din panoorin ang Ice Age 3. At hindi ko palalagpasin ang Harry Potter. Sinisimulan ko na din basahin ang regalo ng mga Wonder Women. Naalala mo noong birthday ko, binigyan nila ako ng libro: Blink (Power of thinking without thinking) ni Gladwell at Eleven Minutes ni Paolo Coelho. Binigyan din ako ni insan ng scrapbook, pag me oras, aayusin ko na ang mga masasarap na alaala. Nakakalungkot din yung balita kay MJ. Excited na din pala ako sa UAAP Season 72.

Ayan medyo napasarap usapan natin. haha. Sa susunod na yung ibang balita. Love? haha Hindi pa ata ako ready. Mas ok yung ganito. Takot pa din ata ako sa commitment. Pero medyo masaya naman ako ngayon. O sige, ingat lagi. Kitakits na lang. Be the best!

Makulit na kaibigan,

Bampiraako

Wednesday, 24 June 2009

PUNO ng Alaala


... Alam mo ba kung ano ang Faces? Kilala mo ba si Ate Gieleen? Nabulabog ka na ba ng VolleyBagan? Napanood mo ba ang Ligwakan ng mga kandidato ng Student Council? Sumali ka ba sa Jologs quiz Show? Alam mo ba ang Sagulapi? Nakita mo si Bruce Quebral? Nakigulo ka ba kapag may General Assembly? Inabangan mo ba si Manong Potpot na may mainit na monay? Nandun ka ba noong Open House? Naalala mo ba si Den Reyes? Yellow ba ang kulay ng sofa sa piano area?...

Kung OO ang karamihan sa mga sagot mo, malamang.... taga YAKAL ka! At kapag alam mo to lahat, sigurado ako, batchmate tayo.

YAKAL - Isa lang ito sa mga co-ed dorms na makikita sa loob ng UP Campus. (Ang mga dorms ay may pangalan na hango sa puno o bulaklak). Nasa likod ito ng College of Eng'g na kapitbahay ng Kalay at Ipil. Ito ang itinuturing na tahanan ng mga kagaya kong promdi. Pagpasok sa yakal, tatambad na kaagad ang information counter. Dun nakatambay ang student assistant na pinagpapantasyahan kapag cute at pinagtitripan at tagatanggap ng mura, singhal at reklamo ng mapagmahal na mga residente kapag etuc. Andun din nakalagay ang logbook na puno ng kasinungalingan at kalaswaan. Nasa bandang gitna ang waiting area na tambayan ng mga nagpapacute, naghahanap ng cute at kabaliktaran ng mga cute. Nasa harapan nito ang isang TV na tila kampana sa simbahan- tagahudyat kung kelan magsisimula ang kakaibang misa. Ang misa na puno ng kakaibang eksena- me nangungulangot habang pinapanood ang kontrabidang si Selena, nag-aagawan ng remote control para sa puso o pamilya?, nakikipaglandian o nakikipag tsismisan kung sino ang paminta, sino ang hot dormer at sino ang bagong member ng bi now, gay later policy. Katabi ng counter information ay ang nag-iisang ref kung saan nakapaskil ang malaking babala: BEWARE OF POISON. Dito din nakapuwesto ang pay phone na parang blockbuster movie sa haba ng pila at sa bandang likod ang silid ng Reyna. Dito nagmamakaawa ang mga pusong napariwara. Dorm Manager ang pangalan niya.

Ang Yakal ay nahahati sa walong wings. East wing 1&2 Boys/Girls at West Wing 1&2 Boys/Girls. Sa bawat wing ay may isang communal cr kung saan ang mga pintuan ay tadtad ng reklamo at sikreto. At ang bawat kwarto ay binubuo ng 2 double deck bed, isang mahabang mesa, apat na locker at may nagmamay-ari na apat na magkaibang katauhan. Ako ay kabilang sa east wing 1. Ang kwarto namin ang sentro ng wing. Dito makakabili ng pancit canton, de-lata, blue book at kung anu-ano pa. Dito rin madalas makita ang log Book ng wing- ang tanging saksi sa makulit na kasaysayan ng iba't ibang mukha, ugali at paniniwala.

Ibang klase ang buhay dorm. dito nahubog ang konsepto ng pakikisama, nabigyan ng tunay na kahulugan ang palasak na salitang bonding, nabuo ang mainit na relasyon, nawasak ang nanlalamig na puso, lumaya ang saradong isipan, lumawak ang makitid na kamalayan at tumatag ang mahinang kalooban. Ang bawat umaga ay tila isang star-studded concert. Nag-uunahan sa pagbirit ang maiingay na alarm clock. Nagmamadali ang bawat gripo at nag-uunahan ang mga paa. Ang bawat gabi naman ay tila party. Pagkatapos ng tradisyunal na room check, sisimulan na sa kabilang room ang toma, movie marathon naman sa katapat, food trip sa unahan, sound trip sa bandang dulo at may iilang mga mata na kayang makipagsabayan sa 7-11 bukas ito 24 hrs habang pinapadugo ang malaking utak. Minsan iyong maririnig ang garalgal na boses ng intercom na pilit nakikipaglaban sa malakas na boses ng fratman at hiyaw ng kasapi ng babaylan habang sinasabing: Paging Mr. Juan De la Cruz, You have a visitor. Gayunpaman, pagsapit ng sabado, makakapagpahinga ang mga gripo at magkakaroon ng katarungan ang OBSERVE SILENCE na nakapaskil sa pintuan. Ang araw kung kelan, naging BAMPIRA ang aking pangalan.

Kasing tatag nga ata ng punong ito ang alaala ng aking nakaraan..ang aking katauhan.. ang imahen ko sa kasalukuyan.

Wednesday, 17 June 2009

TRENTA

..... 5 am natapos ang shift mo. hindi pa rin gumagana ang utak mo. hindi pa rin nag-aadjust ang bio clock mo dahil noong nakaraang linggo yan ang simula ng iyong shift.

..... 4 na oras pa ang hihintayin mo. Inaabangan mo ang pagbukas ng bangko. Pasukan na naman. Si bunso nag-aabang ng allowance. Hay, ang hirap din maging kuya.

..... 3 libo na lang natitira sa'yo. pagkakasyahin mo yan hanggang sa susunod na sweldo. gastos mo kasi. yan madami beses kang mag-isip bago gumastos. ilang araw pa ba bago ang sweldo?

..... 2 araw ka na sa bago mong trabaho. bagong assignment, bagong mukha, bagong pakikisama, bagong mundo. bagong plano. kelan kaya magbabago ang sweldo mo?

..... 1 lang ang napatunayan mo. dahil sa mga pagbabago sa linggong ito, LUMULUTANG ang isip mo. kaya hindi mo alam kung ano ang sinusulat mo. bakit ba 30?

dahil yan ang product pag na-multiply sa 2 ang total ng lahat ng mga numbers na naisip mo sa entry na to. Times 2 dahil dalawang araw ng LUMULUTANG ang isip mo.

Ayan.... Lumulutang ang 30th entry mo.

Saturday, 13 June 2009

Biyaheng Utak (Part 3)


COLLEGE YEARS: SWIM OR SINK?

".. Ang buhay ay parang IKOT jeep. Ang iyong patutunguhan ay siya ring iyong pinanggalingan. UP lang ang may TOKI, sa buhay wala nito. Pero nasasaiyo na yon kung nais mong pabaligtad ang takbo ng buhay mo.." excerpts of commencement speech given by Ryan Cayabyab to the graduating class of 2005

U.P.-- Ito ang pinangarap mong pamantasan. Ang pinapaniwalaan mong magbibigay ng sagot sa napakadami mong katanungan noong sinimulan mo ang byaheng utak. Iniyakan mo pa ito dahil sa mga balakid sa iyong planong paglalakbay sa mapanghamon na pamayanan ni Oble."Wag na dun, magiging fratman ka lang... puro rally lang ang alam ng mga tao doon.. UP is an overrated university..UP will make or break you..magulo doon...Magiging aktibista ka lang" Ikaw ang nasunod. Wala silang magawa. Buong tapang mong binitbit ang gintong medalya na inaasahan mong maging sandata upang simulan ang madugo, makulay at kakaibang ikatlong yugto ng paglalakbay. Handa kang palayain ang iyong kamalayan. Handa ka na sa panibagong biyaheng utak!

1998-44859. Ito ang plate number ng buhay mo sa biyaheng UP. Ito ang tatak ng iyong pagkatao. Laman ng form 5 kung saan nakalista ang mga dapat pag-aralan o gabay sa pagtupad ng pangarap. Makikita din ang numerong ito sa iba mo pang mahahalagang dokumento at isa na dito ay ang Bluebook-- Ang pinakamurang notebook sa balat ng lupa sa halagang P2.00. Ito ang saksi ng iyong madugong pakikibaka sa ibat-ibang uri ng utak ng mga demonyo sa Math Bldng, alien sa College of Science, showbiz personalities sa Arts and Letters at ibang pang mga taong naging bida at kontrabida sa mundo ng GE subjects. Sa mundong ito hinasa ang iyong utak upang magkaroon ng tinatawag na tatak isko/iska-ang common denominator ng mga apo ni Oble. Ito ang mundo kung saan kakulitan mo ang lahi nina plato/marx at iba pa sa soc sci 2, kumapal ang mukha mo sa art of public speaking sa comm 3, nakitsismis ka sa eskandalo ng buhay ni Rizal sa PI 100. Teka, umatend ka ba talaga ng STS class sa CS Aud? Ito rin ang pinag-aawayan at iniiyakan tuwing Registration dahil pahirapan sa slot. Ang Reg Period ang pinakamadugong panahon sa iyong buhay. Dito mo nasaksihan ang iba't ibang mukha ng pinoy sa panahon ng kagipitan. Nandiyan ang siksikan, tulakan, dayaan sa pila at kadalasan ay luhaan dahil walang slot. Sa panahong ginawa mo na ang lahat at hindi ka pa rin nakapag-enlist,
Prerog (Teacher's Prerogative) ang iyong huling pag-asa. Naranasan mo na ito sa iyong soc sci 2 kung saan pumunta ka sa unang araw ng klase nakipila, nagmakaawa at nagpabibo na parang papasok sa bahay ni kuya. Isa ka sa mga mapalad na maging biktima ng Prof na araw araw ay nagbabalasa ng class card. Ang bawat pagkikita ay isang academic adrenalin rush. Kaya pagdating ng finals, na-aapreciate mo ang poetry. You think you shall never see a grade as lovely as three.

Mga bagay na hindi mo makakalimutan:

** Ang maging Bionicman. Kailangan mo lumipad mula isang building papunta sa kabila sa panahong naging tanga ka. Ang Registration ay isang napakahalagang desisyon. Kailangan mo isaalang-alang ang oras, subject, prof, prereq, requirement ng subject at building kung saan magaganap ang klase. Note: sadista ang karamihan sa mga prof. Iniisip nila, subject lang nila ang kinukuha mo sa boung sem.

** Ang isaw ni Mang Larry sa kalay, BBQ sa Beach House, SpicyChickenSilog sa Rodics, Ang tipid meals sa AristoCarts lalo na sa likod ng Eng'g, Thai food sa IC na lumipat sa balara, Unlimited rice sa Mang Jimmy's, food trip sa KNL, lutong bahay sa Area 2, tambay sa chocolate kiss, COOP Canteen, exotic food sa University Arcade at sino ang hindi nakakain sa CASAA, tusuk-tusok the fishballs at abangan ang monay na may palamang cheese ni manong potpot.

** Oblation run na minsan mo lang napanood, ang pag-aabang sa galing ng FA tuwing Lantern Parade, ACLE, Sem break issue ng Kule, UP Fair, iniation ng mga University Orgs neophytes. UAAP Cheerdance, Live AIDS ng samaskom, pakiki-usyuso sa Eng'g week, Faces sa Yakal, manood sa Film center, org-sponsored events, maging neophyte sa org, tambay hours

** Enlistment, Reg Period, CRS, tambay sa library hanggang hatinggabi, matulog sa Sunken Garden, tambay sa Lagoon, jogging sa Acad oval, maglakad sa betaway pag gabi, tambay sa AS steps, pumila sa AS 101, pumila sa 2nd flr ng PNB building, photocopy sa shopping center, magic cards sa harap ng lib, sumalampak kahit saan, sumali sa welga

** Cram sa papers, departmental exam sa Nat Sci, pakikipagtalo sa classmate at sa prof, pagpupuyat sa math exam tapos bagsak pa din, critical paper, term paper, reaction paper, nakakatawang graffiti sa upuan/cr/pader, pagkuha ng classcard sa FC, pakikipag-agawan sa reserved section, ikot, toki, pagpasok na nakapambahay, powerpoint presentation sa sts

hay...... nakakamiss ang Kulturang UP!

Ano ang natutunan mo?

Natutunan mo na marami ka pang hindi alam. Na hindi lahat ng matalino ay magaling. Natutunan mo kung paano mabuhay at mahalin ang buhay. Dito nabuo ang iyong prinsipyo, lumawak ang iyong mundo, nahasa ang iyong utak, nawasak at natuwa ang iyong puso, nagkaroon ng kulay ang iyong pagkatao.

Ang klasrum, libro, required readings, boses ni prof, angal ni klasmeyt, utak ng iskolar sa iba't ibang bahagi ng Pinas, palitan ng ideya sa kung anuman, pakikipagtalo .... ang nagpalaya sa iyong kamalayan, nagbigay liwanag sa iyong kaisipan. Pero ang acad oval, ikot, toki, paglalakad, pakikibaka, pagpila, bagsak na grades, kulang na allowance, pawis, kaba, takot at minsang pagluha .... ang nagbigay tatag at tibay sa iyong kalooban.

Gaya ng palagi mong sinasabi, dito mo natutunan ang tatlong S sa buhay: Sacrifice, Service at Survival.

Salamat Oble!

Thursday, 11 June 2009

Nasaan KA?


Hinahanap KA ..

ng mga paslit na nakikipaghabulan sa mga kalaro nilang sasakyan
ng mga dilag na sumasayaw sa mapang-akit na ritmo ng kamunduhan
ng mga lalaking nagtatago sa mga makukulay na maskara
ng lahat ng mga taong naging biktima dahil IKAW ay nawawala...

.....................

Ang sabi ng iba, nandito ka lang daw. Pero bakit marami ang naghahanap sa'yo? Pero aaminin ko minsan hindi rin kita mahagilap. May mga panahon na ang pakiramdam ko ay pinagtataguan mo ako, tinatago ka nila sa akin o hindi lang talaga kita makita dahil malabo ang aking paningin sa pagkakataong hinahanap hanap kita. Siguro kagaya ng maraming naghahanap sa'yo, hindi lang talaga namin ikaw lubusang kilala. Baka nga magkaiba kami ng pagkakilala sa iyong pagkatao. O baka naman dahil meron kaming magkaibang kultura, paniniwala at karanasang kinalakhan, nagkaroon din kami ng samo't saring interpretasyon sa iyong pangalan.

Naalala ko dati, lagi tayong magkasamang maglaro. Naghahabulan tayo sa pilapil habang nagpapalipad ng saranggola. Kasama kita sa paglanghap ng sariwang hangin habang umaakyat sa puno ng duhat tuwing panahon ng tag-init. Andun ka din tuwing kabilugan ng buwan. Pinagmamasdan mo kaming naglalaro ng patintero o kaya ay taguan. Kaya lang, nang unti-unting lumalawak ang aking mundo at dumadami ang aking nalalaman, unti-unti ka ding lumalayo sa aking tabi. Pero mas tama sigurong sabihin na ako ang unti-unting lumalayo sa'yo. Minsan kasi, natatakot akong maparusahan. Sige na nga. Kadalasan kasi ay duwag ako. Takot lumaban. Pero noong mag-aral ako dito sa Maynila, naging malapit uli tayo sa isa't isa at dito marami akong nalaman tungkol sa'yo. Nalaman kong makailang beses ka pinagsamantalahan.Yung iba ginagamit ka para pagkakitaan. Marami na rin ang namatay, pinatay o nagpakamatay dahil sa'yo. At ngayon, labis akong nag-aalala dahil sa iilan na bumabalak kumitil sa iyong buhay. Madami pa sana akong gusto ikwento tungkol sa'yo pero alam ko naman na lahat kami ay may kanya kanyang bersyon ng iyong pagkatao. Siyanga pala, tuwing tumitingin ako sa Salamin , hindi kita makita. Nahihirapan tuloy akong manalamin..

Nasaan KA nga ba, KALAYAAN?

Tuesday, 9 June 2009

Salamin

Muli mong tiningnan ang iyong repleksyon.... Sinuri nang mabuti .... Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ... At ikaw ay napailing.

Ganito ka araw-araw. Tinitingnan ang sarili sa salamin. Sa bawat sandali na siya ay iyong sinisilip, iba't ibang emosyon ang iyong nadarama. Pero sa araw na ito, nakita kitang malungkot at may kaunting takot.

Ilang taon mo na ba itong ginagawa? Hindi ko na rin matandaan. Marahil napagod na din ako sa kakasilip sa'yo. Ang kulit mo kasi. Bakit ba masyado kang apektado sa iyong nakikita? Akala ko ba tanggap mo na ang kulay ng iyong balat. Ang hugis ng iyong mukha. Ang hubog ng iyong katawan. Akala ko ba, handa mo nang ipasilip sa iba ang repleksyon mo? Akala ko ba handa mo nang palayain ang iyong imahen?

Di ba ang sabi mo, hindi naman mahalaga kung anong makikitang repleksyon. Dahil ang mga salamin ay dekorasyon lamang. Ang imahen na ipinapakita nito ay bahagi lamang ng iyong sarili...hindi ang iyong kabuuan..hindi ang iyong pagkatao. Pero bakit ngayon, muli kang nagpapaalipin at nabubulag sa iyong nakikita?

Hanggat patuloy kang matatakot at maduduwag sa iyong imahen, hanggat patuloy kang magpapaalipin sa iyong sariling salamin... Hindi kakikitaan ng ngiti ang iyong mapupulang labi.. Kaya habang may panahon pa, basagin mo na ang sarili mong salamin. Dahil baka masugatan ka pa kapag ito ay winasak ng iba habang ikaw ay nanalamin.

Sunday, 7 June 2009

Biyaheng Utak (Part 2)


HIGH SCHOOL YEARS: Triumphant days/ Years of Agony

"You will know who I am, When you forget my name." -- Jim Paredes, Humming in my Universe

... Sabi nila, D Best daw ang buhay hayskul. siguro tama sila. pero sa kaso niya, ito ang panahon na nagsimulang gumulo ang kanyang isipan. Dahil sa matagumay na unang yugto ng biyaheng utak, naging usap-usapan ng mga matatabil na dila ang magiging kapalaran niya sa ikalawang yugto ng paglalakbay. May nagsasabi na hindi na niya kakayanin ang bagong hamon. Meron din naman nagsasabi na baka sakaling lumusot dahil ang kanyang kamag-anak ay may mataas na katungkulan. Marami ang nagduda sa kanyang kakayahan, maliban sa kanyang mga magulang. Kaya sa unang taon pa lang ng paglalakbay, kaagad niyang ipinamalas ang husay. Ito ang naging dahilan upang mabura ang mga alinlangan. Ito rin ang simula ng kanyang kalungkutan. Dahil ang bawat tagumpay, medalya, tropeo at karangalan ay inaasahan na sa kanya. Ang kabiguan ay isang krimen. At sa apat na taon niyang pag-iwas sa krimen, apat na taon din niyang pinagkaitan ang sarili masunod lamang ang kasiyahan ng nakararami. Siya ay naging kriminal at biktima ng sariling desisyon, maling akala, mapanuring lipunan at tradisyunal na paniniwala. Subalit ang totoo, hindi niya alam kung sino talaga ang kalaban at kakampi. Gayunpaman, lubos siyang naniniwala na minsan, kinakailangang mangyari ang isang digmaan. Subalit ang kanyang kaunting kaalaman ay hindi pa sapat upang magapi ang itinuturing na kalaban.

Makukulay na alaala ng Buhay Hayskul:

1. Iba't ibang mukha -- kikay girls, porma boys, the nerds/geeks, class clowns, bitches/villains, pabibo, the varsity players, pasaway, rich kids at walang pakialam. Siya ay boring, seryoso, tahimik at mahiyain.

2. High School Events -- school activities, campaign period/election day, induction program, JS prom, COC/CAT days, camping, intrams at iba pa. Siya ay naging bahagi ng magulong campus politics sa loob ng 4 na taon, naging SR President noong senior year dahil sa pamimilit ng mga kaklase kaya ala syang kalaban noong election, XO officer sa CAT, taga-cheer sa intrams at sawi sa JS prom. Sa awa ng diyos nakalikom ang kanyang SR Admin ng sapat na halaga mula sa kung anu-anong mga fund-raising projects na naging bahagi ng school auditorium. Mapulitika ang induction program dahil ito ang pagkakataong makaambon sa pork barrel ng imbitadong kongresista.

3. Contests/Activities -- literary contest, quiz bee, physics olympiad, science fair, school paper press conference, sabayang pagbigkas, speech choir, leadership training, ffp/fahp/vlp, comedy skit at kung anu-ano pang drama at kaartehan. Lagi siyang kasali sa extemporaneous speaking contest. Talunan sa provincial science quiz bee at physics olympiad. Pagala-gala sa Regional School Paper Press Conference at Youth Congress; At dahil hindi marunong umarte, naging narrator/director/writer ng comedy skit.

4. Hindi din niya malilimutan ang Periodic Table of Element sa Chemistry na kailangang i-memorize, Map of Asia, Ang debate sa teorya ng creation at evolution, Cell structures at functions, Life cycle of a Frog at iba pang hinayupak na hayop, Journal writing sa Values Ed., Iba't ibang projects sa Home Economics at Vocational Elective (Gumawa siya ng lampshade at water heater sa electricity class). Paborito niyang subject ang Physics at History.

5. Simple ang buhay hayskul. Dito nabuo ang tropa/barkada. Tambay sa canteen o school aud pag break time, Tambay sa town plaza kapag uwian, student meal, exemption sa exam dahil sa pagsali sa mga contests, memory tests, reporting, paggawa ng assignments ilang minuto bago magsimula ang klase, pagsali sa iba't ibang extra-curricular activities dahil 30% ito sa pagdedecide kung sino ang mapapasama sa Top 10. At kung anu-ano pang kalokohan.

6. Ito ang panahon na nauso ang boy bands. Naging kilala ang Backstreet Boys, ang rivalry ng hanson at the moffats, N Sync, Boyzone at Westlife. Ito rin ang labanan ng UMD vs Streetboys at ang famous signature dance na Always.

7. Isang major problem/issue ang pagkakaroon ng pimple.

8. Dito siya nahasang magsulat. Salamat sa School Paper. Nagsimula siya bilang staff writer, literary editor, news editor at EIC.

.... Natapos ang kanyang ikalawang yugto ng paglalakbay na nababalot ng iba't ibang katanungan. Dahil sa mga makukulit na tanong na ito, sinikap niyang makuha ang susi para sa pinapangarap niyang Pamantasan upang hanapin at alamin ang mga kasagutan.

"The most unfair thing about life is the way it ends. I mean, life is tough. It takes up a lot of your time. What do you get at the end of it? A Death! What's that, a bonus? I think the life cycle is all backwards. You should die first, get it out of the way. Then you live in an old age home. You get kicked out when you're too young, you get a gold watch, you go to work. You work forty years until you're young enough to enjoy your retirement. You do drugs, alcohol, you party, you get ready for high school. You go to grade school, you become a kid, you play, you have no responsibilities, you become a little baby, you go back into the womb, you spend your last nine months floating......and you finish off as an orgasm"......... George Carlin

........................ naghahanda para sa susunod na paglalakbay: Ang Biyaheng State U

Monday, 1 June 2009

Biyaheng Utak (Part 1)


"Train up the child the way he should go, and when he is old, he will not depart from it."

.... Proverbs 22:6 ....

X: Hindi magandang balikan ang nakaraan.
Y: Bakit naman?
X: Para mo na rin kasing pinapadugo ang mga naghilom na sugat. Para ka ring gumagawa ng mga bangungot sa mga magandang panaginip na nagbibigay sa'yo ngayon ng lakas at direksyon sa buhay. Niloloko mo lang ang sarili mo. Kasi umaasa ka na kapag binalikan mo ang nakalipas, magkakaroon ka ng mas magandang imahen ng nakaraan.
Y: Iba naman ang tingin ko dyan. Palagay ko, mas makakatulong ang pagbalik tanaw para mas maintindihan ko ang aking sarili at magkakaroon ako ng pagkakataong masuri ang mga bagay, karanasan at pangyayaring nagpasaya, nagpaiyak at nagpangiti sa aking 16.5 taong buhay estudyante. Hindi ko naman gustong baguhin kung anuman ang nangyari dahil para ko na rin pinagsisihan ang mga naging desisyon ko.

Dahil sa pambihirang pag-uusap na 'to, Naisipan niyang balikan kung paano napanday ang kanyang utak . Siguro kaya niya rin naisip magsulat tungkol sa kanyang buhay estudyante dahil hunyo na naman...Pasukan na!

Paano nga ba naglakbay ang kanyang utak?

ELEMENTARY YEARS: Age of the Innocence/Face of the Rebel

"You don't owe it to yourself, You owe it to me and to every guy that would love to have what you got" ---- Ben Afleck in Good Will Hunting

Pitong taon siya nang pumasok na Grade 1- sa panahong ang paniniwala ng mga matatanda ay kailangang maabot ng kanang kamay ang kaliwang tainga o vice versa para makayanan ang hamon sa isang Grade 1 Pupil. (Nabasa ko na rin ata to sa libro ni BO) Kakaiba siya dahil hindi kagaya ng ibang mag-aaral na kasa-kasama ang butihing nanay, tita, ate o lola; Siya ay natutong pumasok mag-isa. Kasama ang nanay, tita, ate o lola ng mga kaklase na naging kaibigan niya. Tahimik siyang bata. Mas tama siguro sabihin na mahiyain. Marahil bunga ng pagkakaroon niya minsan ng sariling mundo kung saan mas pinili niyang maglaro ng naipong mga tansan, bigyan ito ng mga pangalan at bumuo ng parang isang community kung saan siya ang nasusunod (Kaya siguro nagustuhan niya ang Sims pati na rin ang Zeus: Master of Olympus nang matuto siya gumamit ng kompyuter). Pero dahil sa mga pangyayari sa kanyang pamilya, ang patpating bata ay natutong makipagkulitan sa mga pisara, chalk, teksbuk, lapis at papel upang makuha ang tiwala, respeto at paghanga ng kanyang guro, kamag-aral at higit sa lahat, mahal sa buhay. Pero sa tingin ko, ang higit na nagpaalab sa kanyang murang isipan na maging angat sa iba ay ang pagiging saksi ng mga munting karahasan sa mga kagaya niyang bulilit na pilit lumalaban sa mga hamon sa unang yugto ng biyaheng utak. Lubos siyang naniniwala na ang mataas na marka at gintong medalya ay magiging mabisang sandata para hindi maging biktima.

Sa pagsisimula ng kanyang magiting na paglalakbay, baon niya ang unang gintong medalya na nakuha noong siya ay Prep. Sa mapanuring mata ng kanyang ginagalawang baryo, ito ay may kaakibat na tungkuling patunayan sa nakakarami na karapat dapat siyang magmay-ari nito. Kaya sa sumunod na 6 na taon naging madali sa kanyang ipanalo ang laban at naging makulay ang unang yugto ng paglalakbay.

Narito ang ilan sa mga makulit na alaala sa unang yugto ng biyaheng utak:

--->Hindi niya makakalimutan ang All Things Bright and beautiful na unang narinig noong siya ay Prep. Bungi pa siya nang magkaroon ng pinakaunang stage presentation. Pati na rin ang walang kamatayang Guardian Angel Prayer habang abala sa pagliligpit ng mga gamit, pagsusuot ng bag. Ito din ang panahon na ang notebook cover ay labanan ng mga That's Entertainment stars, naging hit ang young love, sweet love. Naabutan din niya ang Billy Joe-Aiza days. Grade 3 niya natuklasan na sosyal ang madaming layers na crayon.

--->Aliw na aliw siya sa ginagawang pag-eehersisyo tuwing umaga pagkatapos ng Flag Ceremony. Pero pinakaiiwasan noong Grades 5 at 6 (kakahiya kay crush). Iniiwasan niyang ma-late dahil may sarili silang Flag Ceremony o kaya ay maglilinis sa garden bilang parusa. Requirement sa EPP (Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan) ang gardening. Kamote at pechay lang ata ang naitanim niya. Sa subject din na ito nakilala niya ang kauri nina running, blind, back at catch stitch. (nagagamit niya to paminsan minsan)

--->Lagi siyang kasama sa Monday Cleaners, nauuna sa pila at unang tinatawag pag nagtsek ng attendance dahil sa unang letra ng kanyang apelyido. Ang nakakatuwa, lagi din siyang nagunguna sa klase. Naging biktima din siya ng standing, noisy at kung anu ano pang listahan ng paglabag sa Walasiteacher Law. Grade 1 siya ng unang maranasan ang stereotyping sa pag-upo. Hindi niya maintindihan kung bakit row 1=matalino, row 2= medyo matalino at row 3=bobo. Row 3 siya nakaupo at dahil nga ayaw niyang mabiktima, pinakopya niya ang buong row 3.

---> Dito din niya unang naranasan ang pakiramdam ng isang politiko dahil sa Pupil Government. Bookmark ng karton ng gatas na kinulayan at may nakalagay na Vote: X for President o kaya isang puting kartolina na may nakalagay: VOTE STRAIGHT MASIPAG PARTY! (nakalista ang mga pangalan ng kandidato) ang naging makinarya. Dito din niya nasubukan ang tindi ni haring araw dahil sa Cub scout at BSP: Laging Handa. Dito niya unang nakilala ang iba't ibang klase ng knots. (square at over-hand knots na lang ang alam niya)

---> Pambihira ang Christmas Party. Parang piyesta dahil sponsor ang magulang ng mga batang angat sa baryo. (Laging present ang Palitaw) Kaya masaya dahil me bitbit ang lahat kapag uwian. Bitbit na din pauwi ang mga pinahiram na lanterns. (haha) Astig din ang ginamit na Christmas tree-sanga ng puno na binalutan ng crepe at lantern paper, walis tingting at pati styrofoam walang ligtas. Laging panyo o kaya ay baso (hindi mug) ang napupunta sa kanya kapag exchange gift.

---> Laging inaabangan ang tunog ng bell. Dahil ito ay: 1)Recess Time. 2)Faculty Meeting at 3) uwian na. Richie at Pee Wee ang famous tsitsirya sa recess kasama nito ang fanta o RC Cola. kilala din ang kending Lips, stork at white rabbit. (ginagamit ang mga balat ng kending ito bilang pera sa larong pambata. Ang wrapper ng lips ay katumbas ng P50.oo at ang stork ay P5.oo dahil buhay pa ang 5 pisong papel. Ginagamit din ang lips candy na parang lip shiner/gloss ) Naging hit din ang Bazooka dahil sa comic strips nito. Sa panahon ding ito pinag-kakaablahan ang FLAMES, tatsing, Jumping Rope, Police-Wanted, Patapangan ng gagamba at kung anu-ano pa.

---> Lagi siyang kasali sa slogan at poster making contest-(Nutrition Month, Linggo ng Wika at United Nations) Kasali sa Folk Dance na pinapalabas tuwing me graduation (ginagawang entertainers ng mga graduating students ang Grades 1-5 Pupils) kasali sa Quiz Bee at nag try-out sa 100m dash. Ang Grade school batch niya ang pinakaunang biktima ng NEAT. (National Elemntary Achievement Test)

---> Ang pinakamatindi sa lahat: hinubog ang paniniwala ng mga batang lalaki na bago iwanan ang elementarya, kinakailangan natuli ka na. Dahil kung hindi, kabilang ka sa mga pangalang bida sa pader ng mga gusali at loob ng Boy's CR na sumisigaw: BATANG X, SUPOT! SUPOT!

Abangan... BUHAY HAYSKUL!

Thursday, 28 May 2009

Kapitan Sino


"Hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo e. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay." Kapitan Sino, Bob Ong

.... Yan ang forwarded sms ni elYAS. Alam ko na merong Ika-7 libro si BO pero hindi ko alam kung kelan ilalabas. Isa ako sa mga avid reader ni BO. Kumpleto ako ng 6 niyang libro: ABNKKBNPLKo?!?, Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino, Paboritong Libro ni Hudas, Stainless Longganisa, Alamat ng Gubat at Mac Arthur. Kaya kinulit ko si bunso kung saan niya nabili. Bantayan bookstore daw. Saan yun? Salamat sa unlitxt promo ng Globe. Isa sa mga nakulit ko ay si Jinjiruks. Alam daw niya kung saan pero hindi niya matandaan. Waah. Nagtext pa ang isa:

Out of stock na sa Powerbooks. Meron daw sa MOA. Ala sa NBS.

Huh? WTF! Dahil siguro sobrang excited ako at ayaw magpahuli, pagkatapos ng tanghalian, kaagad naligo at sinubukan dalawin ang fully booked sa Gateway.

Miss meron na Kapitan Sino?
Meron na po. Pakitingnan sa Filipiniana section

Nagmadali naman ako. At nakita ko siya. Tiningnan ko muna nang matagal. Sabay sabi: Lagot ka sa akin. Kaagad ko siya kinuha at sinilip:

THERE IS SOMETHING STRANGE IN YOUR NEIGHBORHOOD
Naunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop. Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isang matanda; tumiklo sa mga miyembro ng Akyat-Bahay; sumagip sa mag-anak na tinangay ng tubig-baha; nag-landing nang maayos sa isang Boeing 747 na nasiraan ng engine; at nagpasabog sa isang higanteng robot. Pero sino ang taong ‘yon? Maililigtas nya ba sila Aling Baby? At ano nga ba talaga ang sabon ng mga artista?
KAPITAN SINO
Ang pinakabagong superhero noon.
Mas matibay pa sa orig.
Sa mas mahabang panahon


Hmmm... kaya niyang lagpasan ang pinakapaborito kong libro? (Libro ni Hudas). Binayaran ko ang P175.00 at binasa ang text ng kaibigan:

Ngek, ngayon mo lang alam? Noong May 13 pa meron. Masyado ka ata busy. Available na yan sa lahat ng bookstores.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Inisip ko na lang siguro kailangan ko ng superhero sa buhay. Para naman updated ako. o baka naman dapat ako ang maging superhero. Ewan. Basta pagkatapos nitong entry na to, babalatan ko na at aalamin ang husay ni KAPITAN SINO..

Thursday, 21 May 2009

S.H.I.T


SHOWBIZ ...
Ang tawag nila sa iyong makislap na mundo.
Sandata mo'y mukha at nakakasilaw na alindog.
Kinakabaliwan ang hugis at kinang nito.
Inaasam at pinapantasya ng matang malilibog.

HAYOP ...
Ang metapora at pang-uri ng kanyang pagkatao.
Kakisigan at kahubdan ay pinagnasaan ng karamihan.
Na-halili-na siya sa iyong pambihirang kaseksihan.
Bulag ka sa kanyang angking kalo-kho-han.

ISYU ...
Ang turing sa matinding laban mo ngayon.
Laman ng diyaryo, radyo at telebisyon.
Kumalat sa youtube, pirated cd's at cellphones.
Pinagpyestahan, pinagkakitaan at pinag-uusapan.

TULDOK ...
Ang hangad ko sa kontrobersyang ito.
Marami nang biktima, ang katulad mong naeskandalo.
Itigil na ang drama, ilahad na ang katotohanan.
Tapusin na ang grandstanding, ibigay ang katarungan.

S.H.I.T nga naman!


*ang SHIT na ito ay personal na pahayag mula sa malikot na utak ng isang bampira. salamat pala sa duncancumming.co.uk para sa imahen

Wednesday, 13 May 2009

Jr. Dialogue




B1: Musta na? Ano na balita sa'yo?

B2: Ok lang. Mejo Busy. Ikaw?

B1: Ito..Malungkot.. :( Miss ka na pala ni Jr. ....hay...!

B2: Owws..? Talaga lang ha..Musta si Jr.? Makulit pa din?

B1: Sobra Miss ka.. Lagi ka niya hinahanap. Gusto ka niya kasi kalaro.

B2: Lumaki ba? Lagi pa rin matigas ulo?

B1: Silipin ko. Natutulog e...Hmmmm.. Parang lumaki nga siya. Tumaba. At lagi matigas ulo nito.

B2: Spoiled kasi sa'yo. Dapat kasi matuto ka magdisiplina. Baka naman kasi kung anu-ano na pinapasok mo sa ulo niya.

B1: Ano ka ba? Sa'yo lang kaya sumusunod to. Magaling ka kasi mag-alaga. Alam mo paano siya pasayahin.

B2: Namimiss ko na nga din siya kalaro. Namimiss ko ang katigasan ng ulo niya. Humanda siya sa akin.

B1: Hahaha. Huwag mo naman takutin. Hinay hinay lang. Parang machine gun kasi bunganga mo. Iyakin pa naman to.

B2: Wag dapat siya iyakin. I-train mo yang si Jr. magpakatatag. Dapat astigin. Kakatawa pa naman yan umiyak. Nanginginig..Hahaha. Kakatakot nga lang pag nagwala.

B1: Oo nga. Ayan nagising tuloy. Daldal mo kasi. Nag-iinat ang loko. Tulo-laway ang mokong.

B2: Sige punta ako diyan. Me pasalubong ako sa kanyang rubber.

B1: Sige sasabihin ko. Naku tuwang tuwa to mamaya. Gising na siya. Damihan mo yang goma. Lam mo naman na peyborit niya yan.

B2: Sige magdadala ako isang box. Pakasawa siya. Dala na din ako chocolate at orange...

B1: Sige antayin ka namin ni Jr. Paliguan ko na siya para mabango.. hehe.. Gising na gising na.

B2: Ok.. Punta na ako. Papaiyakin ko yan..haha..Tingnan ko lang kong 'gang saan kakulitan niya.



** Salamat sa http://images.google.com para sa mga larawan.

Friday, 24 April 2009

Para Kay J.


ang taong minahal mo nung nakaraan, hindi mo makakalimutan kahit kailan - sabi-sabi sa tabi-tabi.

Abril - Ito ang hindi mo malilimutang buwan. Nagkakilala kayo sa panahong wala pa ang social networking. Kinalolokohan pa nun ang mga kakaibang private rooms sa yahoo chat. Hindi pa jologs sa mata ng nakararami ang mirc. Sikat at walang karibal ang nag-iisang Malate--ang itinuturing na tahanan ng naghahanap, hinahanap at nahanap na sarili. Yun ang panahon na naghahanap ka ng kakampi..ng karamay. Ang panahon na gabi-gabi kang umiiyak dahil naiinis, naaawa, natatakot ka sa iyong sarili. Ito ang panahon ng pagtuklas at pagsisimula ng iyong paglalakbay upang hanapin ang sagot sa mga makukulit mong tanong.


Text- Ang naging daan ng pagkakilanlan...Naging tawag- lalo na sa panahon na uso pa ang free calls ng mga higanteng mobile networks. Siya ang iyong naging kakampi. Siya ang naging gabay mo upang matapang na tahakin ang bago, sanga-sangang mga daan at paano basahin at intindihin ang mga komplikadong road signs . Hanggang...napagkasunduan ang isang pagkikita. Ito ang unang tikim mo sa sistema ng EB.


Intramuros- Dito nagsimula ang lahat. Dito ninyo binuo ang isang napakagandang samahan. Dito isinilang ang katauhan ni Japs. At dito mo isinabuhay ang gintong aral: magkaibigan kayo. Meron pa kayong kakaibang pangako: anuman ang mangyari, magkaibigan tayo. kahit me asawa at anak na tayo. walang magbabago. walang bibitaw. HINDI PEDE TAYO. Kasi pag tayo, pag naghiwalay, magkakagalit tayo. Naging maayos ang lahat..naging ok ang simula. Siya ang ang iyong ka-party para maglevel up sa panahon na addict ka sa khan at tantra. Naranasan ninyong matulog sa Luneta habang pinag-uusapan ang makukulay na pahina ng inyong buhay . Nagkaroon kayo ng monthsary ng pagkakaibigan. Alam niya na kumakain ka ng ice cream kapag hindi ka mapalagay. Alam niya kung kelan ka naiinis, natutuwa at nalulungkot. Siya ang sumusundo sa'yo minsan kung me topak ka sa buhay. Marami siyang alam.. maliban sa isa. Mahal mo siya....kasabay ng pagbabagong anyo ng Intramuros ay ang pag-usbong ng kakaibang damdaming ito. mahal mo siya dahil kagaya ng naisulat sa librong para kay B, naramdaman mo ang tatlong K: Kabog, Kilig at kirot.


Apat na taon- Ganito katagal ang naging bunga ng iyong matapang na pagsuway sa gintong aral. Hindi mo alam kung paano nagsimula. Pero markado kung paano ang pagtatapos.

Japs: Pede pa ba tayo.? Magsisimula uli. Sigurado na ako.
Ikaw: Hindi ko alam. Parang napagod na ata ako magmahal sa'yo.

Marami ang nangyari. Siya lang ang tanging tao na naipakilala mo sa iyong piling mga kaibigan. Siya lang ang taong nakapunta sa bahay mo at naipakilalang kaibigan ng walang pag-aalinlangan. Siya lang ang taong hindi mo nahihiyang akbayan sa harap ng madla sa takot na pag-iisipan ka ng mga malisyoso't malisyosa. Siya lang ang tao na kahit binubura mo na ang number sa phonebook, kabisado mo pa rin. Siya lang ang napagsasabihan mo ng lahat. Siya lang ang hindi mo makakalimutan. Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon takot ka pa rin.

"at noon narealize ni Lucas, tapos na sia kay Bessie. At tapos na rin sia sa kanyang mga kwento. Pag-uwi niya ng bahay ay buburahin niya ang file at wala nang makakabasa pa sa mga iyon. Dahil hindi mo pedeng mahalin ang isang tao na hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang mga paniniwala. Kapag nagmahal ka'y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot and bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng mga tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero ka kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na." - Para kay B ni Ricky Lee

Wednesday, 22 April 2009

I hate Rainy Days


Summer is not yet over but it's already raining..... I hate rainy days.. It stimulates my eccentricity..It makes me feel dejected. The rush of emotion pulsing through me shatters the facade that shields my disappointments in life.. Disturbing questions intrude my idealistic mind... leading to frustrations and painful realizations.

Right now...

I am extremely demotivated. I feel that I am losing the meaning of my existence..the value of hard work...my self worth. Why? because coming to work has become more stressful and annoying to me. I don't care anymore. All of the sudden, I feel so undignified.


I don't know why I am writing this blog entry. I think my brain cells get depleted. I am no longer the vampire my mind remembers. I feel a sense of inadequacy. I miss the old days.

I think I am struggling with my QLC, career, emotional crisis? The signs are becoming more obvious.


SCENARIO A: (TexT Conversation)

X: Msta? Ano n blta? Vampire: e2. la kwenta. gago p dn. kw msta?
X: pgod sa schl. 6 units n lng at thesis mata2ps k n MA ko. kw? wen ka magtu2ro? Wat plans mo?
Vampire: Di ko lam. Ewan. Bhala na.
X: Huh? Ano nangyari sau? di k nman dati gnyn a.

SCENARIO B: (YM CHAT)

Kuya: Asan na resume mo? Ano ba, gusto mo ba mgturo?
iskolar22: Gusto po. Sige maya po email ko sau. busy lang e.
Kuya: Ano ka ba? parang di ka naman interasado. Laki sweldo dito kaysa jan kinikita mo sa Pinas. Ayaw mo ba dito?
iskolar22: Gusto ko po sana dito magturo kuya. Basta send ko po sau.

SCENARIO C: (Text)

QA: Me opening sa QA. apply ka na sa amin. Dala ka resume maya
Vampire: Gusto ko yan. Sige check ko.

I have zero level of confidence. I have the tendency to stay in my comfort zones. I am confused if I must stay and step up or move out and fulfill my passion- to inspire young minds.

Damn it....

I hate rainy days..

Friday, 10 April 2009

MGA UP's NG BUHAY (Lessons of Good Friday)


Sorry Bro. It's 4 out of 3. 4 UP's and 3 downs. 1)Hindi ko napigilang uminom ng paborito kong kape. Puyat at tensyonado kasi. Tingin ko kailangan ko talaga ng dagdag ng lakas ng loob. Pakiramdam ko isa akong Jeep na kailangan ng gasolina para umandar. 2) Di ko kinayang magpatay ng telepono. Hay! Tsk!..Tsk!.. Nakayanan ko nga wag magtext (dahil siguro ala ako load..) Pero di ko nakayang wag buksan, silipin at basahin ang mga pang-aakit nina lil bro, big bro, hot, super hot at supernova. Mahina ako. Mahinang-mahina. at 3) Ang ingay-ingay ng brain cells ko. Madaming gusto ikwento. Madaming gusto isulat. Gustong maglakbay ng diwa ko. Gustong inumin ang creative juices ng iba. Kaya ayun, blog hopping ako at eto, sinusulat ang pagkabigo at pag-amin na hindi naging mabisa ang pito-pito ko. Gayunpaman, napagtanto ko na hindi kailangan ng espesyal na araw para maging mabait, mas mabuti o higit na banal. (o baka palusot lang ako.hehehe)

Pero tingin ko, 7 talaga ang lucky number ko. Paano isa sa mga text messages na nabasa ko ay galing kay insan: Seven (7) UP's for a Wonderful Life. Nagkaroon tuloy ako ng pag-asa. Siguro ito ang 7 signs para madali kong mapatawad ang sarili ko sa pagiging mahina..(Masyado ata akong seryoso sa pito-pito penitensiya ko). Kaya pagkatapos ng pito-pito, subukan ko naman uminom ng 7 UP. Baka ito ang mabisang pamatid-uhaw sa ala sahara desert na buhay at adventures ko. (Narito ang kabuuan ng message ni insan)

1. Wake UP! ... Decide to have a good day.

2. Dress UP! ... Put on a smile each day.

3. Shut UP! ... Learn to listen.

4. Look UP! ... To the Lord.

5. Stand UP! ... For what you believe in

6. Reach UP! ... For something higher.

7. Lift UP! ... Your prayers.

Pagkatapos ko basahin ang text ni insan, naisip ko na parang may kulang. Madami atang UP's sa ating makulay na buhay. Sa panahon ngayon, ang buhay at ang mabuhay ay parang isang UPrising! Ang pakiramdam ng nakararami sila ay nahohold UP. Siguro dahil sa hindi UP-to-date na serbisyong pampubliko, UPshot ng korapsyon, ang paglevel UP ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan at pati na rin ang patuloy na paglayo ng agwat sa pagitan ng masa at UPperclass. Kaya siguro lalo pang lumalakas ang UProar ng mga nasasaktan at tumitindi ang banta ng UPheaval.

Siguro naman hindi pa huli para mawala at mabago ang UPside down nating kalagayan. Pede pang i-UPgrade ang hindi kagandahang UPbringing. Kailangan lang natin siguro i-UPlift ang ating mga sarili para mas maging UPbeat tayo sa pagiging mentally, spiritually, morally, culturally at socially UPright. Subukan nating i-UPhold at i-live UP ang mga aral ng pagpapasakit sa krus ni Bro. Isa itong matibay na sandata para huwag kaagad mag give UP sa samo't saring hamon ng buhay.

Para kay Bro, sorry po sa UPset ng pito-pito

Para sa sarili ko, i-bottoms UP ang 7 UP

At para sa lahat, cheer UP !.... Sana maging makabuluhan ang ating Good Friday.

Friday, 3 April 2009

CHEAPest, CHAOtic Apology


27March2009- Ito ang araw kung saan tumaas ang blood pressure ng mga Pilipino dahil sa nakakagalit, nakakainis at nakakapag-init ng ulong pahayag ni CHEAP (Chip) Tsao, isang Hongkong columnist na nagsabing ang Pilipinas ay bayan ng mga utusan. Ang malisyosong pahayag na ito ay gumising ng damdaming makabayan, naging laman ng mga diyaryo't blogs, naging mainit na balita sa radyo't telebisyon at paboritong paksa sa mga kwentuhan, tsismisan at tambayan.

Bilang isang anak ng OFW at makabayang Pinoy, isa ako sa mga labis na nasaktan. Naisip ko tuloy gumawa ng mga personal na mungkahi kung paano makaganti kay Cheap Tsao. Narito ang APAT kung mga mungkahi:
A. Ipagpalit siya sa mga bihag na Red Cross Volunteers ng Abu Sayaff . Para naman mabingi siya sa pagsabog ng galit na galit na mga sinasabi niyang utusan. Sana lang hindi siya makawala baka kasi maisulat niya na ang Pilipinas ay bayan ng mga terorista at kidnappers.

B. Dalhin siya sa Crocodile Farm. Sigurado ako matutuwa at matatawa ang mga buwaya. Dahil diyan, pede siyang tawaging happy meal- Isang Chauvinist Chinese Pig. Baka nga lang masuka ang mga buwaya dahil sa kapal ng mukha at cholesterol ng utak. At kapag makawala siya, baka maisulat pa niya na ang Pilipinas ay bayan ng mga buwaya. Sigurado magagalit at mapipikon si Mahal na Pangulong Gloria.

C. Patakbuhin siya ng hubo't hubad sa EDSA (ala Oblation run). Simbolo ito ng kawalan niya ng kredibilidad at kawalan ng puso at matinong pag-iisip. O dahil isa siyang Chinese national, subukan kaya niya ang Great Wall of China. Kaya lang kapag sa Edsa, makikita niya kung gaano katraffic sa Pilipinas at dahilan kung bakit me ganto katinding problema sa Pinas. Baka dahilan pa ito para maisulat niya na tayo ay bayan na matraffic at walang disiplina.

D. Dahil malapit na ang Semana Santa, ipako kaya siya sa krus dun sa may bundok ng basura sa payatas. Para naman maramdaman niya ang hirap at sakit ng bawat OFW na nagtatrabaho ng maayos. At maisip din niya na ang kagaya niya ay mukha at isip-basura. Pero dapat habambuhay na siya nakapako kasi kapag nakawala yan at gumaling ang mga sugat, baka isulat niya na ang Pilipinas ay bayan ng basura.

Hmmm. Paano kaya kung putulan na lang siya ng mga kamay para hindi makapagsulat o kaya ay tanggalan ng dila para hindi na makapagsalita. Kaya lang parang wala rin yung pinagkaiba sa maraming mga pilipinong mamamahayag na nawalan ng boses at buhay mailabas lang ang katotohanan. E, totoo ba ang sinasabi ng Cheap Tsao na yan? Ewan. Sabi ng pelikula ni Winona Ryder, Reality bites. Sabi din naman ng iba, the truth will set you free. Pero sigurado ako natakot din yang Cheap Tsao na yan sa pedeng gawin ng mga Pilipino sa kanya. Kaya siguro nung martes, humingi na siya ng paumanhin sa sambayanang Pilipino. Nagkaron pa ng iba't ibang reaksyon ang mga pinoy. Pero iniisip ko din, paano kung si Cheap Tsao ay salamin ng imahen na nakikita ng ibang tao? Ano kaya ang dapat nating gawin? kailangan kaya nating basagin ang salamin dahil masakit sa mata ang repleksyon nito? baka kailangan nating palitan o kaya takpan? Baka naman kailangan nating tingnan ng mabuti ang repleksyon natin sa salamin. Malay natin kulang lang tayo sa paligo, magulo lang yung damit o kaya di lang tayo nakapagsuklay. Baka kailangan natin baguhin ang ating sarili para pag tumingin tayo uli sa salamin, isa nang pogi, maganda, maayos at kaaya-ayang repleksyon ang makikita. Tuloy naiisip ko, siguro hindi lang si Cheap Tsao ang kailangang mag sorry. Baka kailangan din ng mga tuta, mga buwaya at ahas sa Pilipinas.

Pero siguro.. Sinuman yun, Anuman yun at kahit ilang milyong beses pa ulitin ang famous line na I-A-M-S-O-R-R-Y.. Isa pa rin itong CHEAPest, CHAOtic Apology.

Sana naman magkaroon na tayo ng bagong salamin at bagong imahen sa 2010.

Tuesday, 31 March 2009

SIMULA NG WAKAS

Matagal ko na gusto magsulat. Matagal ko na gusto ilabas ang aking mga angas, lahat ng saya't lungkot, libog at libag ng katawan, dahilan kung bakit ako natutuwa o kaya ay natatawa. Matagal... dahil hindi ko alam paano magsisimula at magtatapos. Hindi ko alam paano matapang na simulan ang hamon ng pagsusulat at kung paano tapusin ang duwag na pagtalikod sa pagbabasa at pagbabahagi ng mga munting aral sa aklat ng aking buhay.

Ngayon, handa na akong magsulat at magbahagi. Magpapalabas ako ng mga pahina na may marka ng aking tagumpay at kabiguan, talino at katangahan at kwento ng iba't ibang pakikipagsapalaran.


TSAPTER 1: ANO ANG INIISIP KO?

Mahilig akong mag-isa at mag-isip. Madalas akong tumingin sa kawalan, pansamantalang mawala sa uliran at tuluyang maanod ng samo't saring kaisipan.. kagaya na lang ng love, relationship, sex, career, pamilya ko, pera, politika at ibang mga bagay na hindi ko akalaing maiisip ng utak kong palaging pagod. Ang sabi nila, kapag nag-iisip o nagrereflect, magkakaroon daw ng linaw ang mga bagay na malabo, sagot sa sanlibong mga tanong o gaya ng sabi ng Rivermaya, Liwanag sa Dilim. Pero sa kaso ko, ang personal reflection na sinasabi nila ay nagbibigay ng mas maraming mga tanong kaysa malinaw na sagot.

27 na ako. Naranasan ko ang 27 taon ng saya, galit, tuwa, lungkot, pagkabigo, sakripisyo at pag-ibig. At simula nang matuto akong mag-isip at lumaban sa hamon ng buhay, hindi pa rin nagbabago ang mga tanong naisip, iniisip at siguro iisipin ko pa rin. Ano ba dapat ang buhay ng isang 27 years old? Ano ba ang mga gusto kong gawin? Ano ba ang mga dapat kong gawin? Kailangan ko gawin ang mga gusto ko o yung mga dapat?

TSAPTER 2: MASAYA BA AKO?

Simula nang matuto akong magbasa ng ABC, ABAKADA (ABNKKBSNPLAko?) Nagsimulang mangarap ng makulay na kinabukasan ang mga magulang at kamag-anak . Inasahan nila na magiging magaling at matagumpay ako sa iba't ibang mga larangan. Sa loob ng siyam na taon(Pre-School to 4th year high School) naging mabuti at masunurin akong anak. Hindi ko sila hinayaang mabigo sa kanilang pangarap. Pinasaya ko sila dahil sa iba't ibang medals, trophies at magagandang salita mula sa ibang tao-kakilala man o hindi na nagbibigay pugay kung gaano sila kahusay na magulang at napalaki nila akong angat sa iba. Siguro kung ang pagiging matagumpay ay kagaya ng PBB o kaya ay Survivor, masasabi ko na Big Winner/Ultimate Survivor ang nanay at tatay ko. At ako ang biggest trophy nila. Subalit, nabago ang pananaw ko sa konsepto ng talino, tagumpay at pagiging masaya nang makilala ko si OBLE. Siya ang naghubad sa aking tradisyunal na paniniwala at mababaw na pagtingin sa mundo. "Deconstruction becomes my world and Idealism my cup of tea"

At ngayon na nagtatrabaho ako, lagi kong tinatanong sa sarili ko: Masaya ba ako? Successful ba ako? Tingin ko kasi sa Pilipinas, ang konsepto ng success ay nasusukat kung gaano ka kayaman, mga titulong nakakabit sa pangalan, bilang ng magagandang sasakyan, impluwensiya sa lipunan at kung gaano ka kaangas o kayabang. Naalala ko tuloy nung grumadweyt ako sa elementary at high school, kailangan ang guest speaker ay isang kilala't may sinabi sa lipunan. dapat daw ay may tinapos o pinag-aralan. Bakit kaya di nila subukan ang kagaya ni Jamal Malik ng Slumdog Millionare, Si Lea Bustamante ng Bata Bata Paano ka Ginawa? o kaya si Marlene ng Tayong Dalawa. Sigurado ako maiiba ang mukha ng walang kamatayang success na yan. Siguro hindi ko na kailangang magpaliwanag kay nanay, tatay, classmate, mam at sir kung bakit ang Valedictorian noong elementary at high school ay hindi kasing yaman ng pasang awa lamang noong nag-aaral pa siya. Kung bakit ganito at hindi ganyan o bakit ganyan at hindi ganito.

Naisip ko tuloy, Napakahirap ba maging successful? Sino ba ang may karapatang magsabi na siya ay successful at ako naman ay hindi? Siguro nga mahirap talaga ang daan papuntang tagumpay. Masyadong makulay pero puno ng pagkukunwari. Para kaya itong kennon road, pasikot sikot? katulad kaya ito ng EDSA, matraffic, mabagal, madalas nakakainit ng ulo at minsan pa ay madaming detours? o baka naman kagaya lang ito ng UP Acad oval kapag linggo. Tahimik, walang usok ng mga sasakyan at kahit nakakapagod, alam mo na ito ay 2.3 KM lamang. Baka magulo lang ako kasi maangas, o tama nga si Jamal sa pagsabi, " You don't have to be a genius".

TSAPTER 3: SINO BA TALAGA AKO?

Kapag tinitingnan ko ang aking sarili sa salamin, nakikita ko ang unti-unting pagbabago sa aking pisikal na anyo. -- TUMATANDA NA AKO. Pero edad lang ata ang nagbabago at nadadagdagan. Tingin ko, bagsak pa rin ang aking EQ. Isa pa rin akong maangas, duwag, suplado, sugatan at ligaw na nilalang. Hinahanap ko pa rin ang aking sarili, wala pa ring sagot ang lahat ng aking mga tanong at unti-unti na akong inaanod ng agos ng buhay.

Siguro masyado akong nasaktan. Siguro hindi masaya ang childhood ko. Pero sigurado ako, pinilit kong kalimutan ang mga dahilan kung bakit: 1) Mababa ang Self-Esteem ko. Wala akong bilib sa sarili ko. 2) bitter at maangas ako. 3)Mahilig ako mag-isa. Lagi ko solo flight at fight. 4) Masyado akong tahimik, parang di ko na alam minsan paano magsalita. 5) Masyado active ang brain cells ko at wild ang imagination . Naisp ko, marami akong oras na sinayang para protektahan ang sarili ko sa lahat ng mga bagay na kinatatakutan ko at tingin ko'y mananakit sa akin. Imbes na hi o hello, puro goodbyes ang nasasabi ko. Pakiramdam ko tuloy isa akong Batanes Island. Trainspotting ang pelikula ko at The warrior is a child ang OST nito.

TSAPTER 4: ANO NA PLANO KO?

Napapagod na din ako. Malapit na din akong sumuko. Pero lagi din naman akong nagdadasal kay Bro na sana sa paggising ko, malakas na akong lumaban at matapang na maglakbay. Iniisip ko din na kahit siguro maging SuperHuman ako gaya ng sinasabi este kinakanta pala ni Chris Brown, hindi ko na mababago ang mga pangyayari. Sigurado na masasaktan uli ako. Gagawa ng maling desisyon pero hindi naman siguro dahilan yun para magkaroon din ng positibo at magandang pangyayari sa buhay ko. Me happy ending din naman siguro sa akin. Kailangan ko lang siguro tingnan ang aking mga kalakasan at malay ko may tinatago pa akong galing na kailangan lang gisingin para lumabas ang PINAKA, D BEST at SUPER DUPER ng sarili ko. Baka me SUPER POWERS din ako. hmmm. Sana bukas, SUPERMAN na ako.